Home » Articles » Legal Advice

Sinampahan ng BP 22, maari pa bang sampahan muli ng civil na reklamo?

Sinampahan ng BP 22, maari pa bang sampahan muli ng civil na reklamo?
"Dear Attorney,

May sinampahan po ako ng BP 22 ngunit hindi po umusad ang kaso. Maari po bang magsampa na lang ako ng civil case? Okay lang po sa akin kahit hindi ko na po maipakulong basta mabawi ko lang po ang halaga na nakalagay doon sa mga tumalbog na tseke. —Teresa

Dear Teresa,




Malinaw ang Rule 111 ng Rules of Court na hindi maaring magsampa ng hiwalay na civil case para mabawi ang halagang nakasaad sa tumalbog na tseke kung may nauna nang naisampa na criminal case para sa paglabag sa BP 22. Papayagan lamang ang hiwalay na civil case kung wala pang criminal case na naisampa para sa BP 22 at kahit sa ganoong pagkakataon ay maari pa ring pagsamahin ang dalawang kaso kung hihilingin ito sa korte.

Ayon kasi sa Korte Suprema sa isang kasong dinesisyunan noong 2005, magdudulot lamang ng patung-patong at sanga-sangang kaso na magpapabagal sa takbo ng kaso kung papayagan ang hiwalay na civil case para sa mga reklamong may kinalaman sa BP 22.




Base sa nabanggit, hindi ka na maaring magsampa ng hiwalay na civil case ukol sa mga tumalbog na tseke dahil automatic nang kasama ito noong ikaw ay nagsampa ng kriminal na reklamo sa ilalim ng BP 22. Maari ka namang magsampa ng civil case laban sa akusado basta’t may iba kang magiging basehan para sa iyong paniningil bukod sa mga tumalbog na tseke." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Sinampahan ng BP 22, maari pa bang sampahan muli ng civil na reklamo?" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 508 times and generated 1 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 1
Ndaylm [Entry]

atorvastatin 40mg over the counter <a href="https://lipiws.top/">lipitor 80mg cost</a> atorvastatin 10mg pills