Home » Articles » Legal Advice

Waiver sa palugit na ibinibigay ng batas sa pagbabayad ng utang, nararapat ba?...

Waiver sa palugit na ibinibigay ng batas sa pagbabayad ng utang, nararapat ba?
"Dear Attorney,

Umutang po ako sa isang online lending company noong nakaraang Marso at papatak po ang due date ng pagbabayad ng hiniram ko na halaga ngayong unang linggo ng Mayo habang nasa enhanced community quarantine (ECQ) pa rin itong lugar ko.

Dahil sa ECQ, nawalan po ako ng sahod kaya nakiusap po ako sa lending company na sana ay huwag patawan ng karagdagang interes ang utang ko kung sakaling hindi muna ako makabayad.




Payag naman sila ngunit hiniling nila bilang kapalit na pumirma ako ng waiver na nagsasabing payag ako na hindi na sila magbibigay ng palugit sa pagbabayad ng utang sakaling ma-extend pa ang ECQ sa aming lugar. Tama po ba ayon sa batas ang gusto nilang mangyari? -- Mario

Dear Mario,




Hindi ipinagbabawal sa ilalim ng mga patakarang nagpapatupad (implementing rules) ng Republic Act No. 11469 o Bayanihan to Heal As One Act ang paghingi ng waiver o exemption mula sa mga probisyon ng nasabing batas.

Kabilang na sa mga probisyong ito na bawal hingan ng waiver ay ang 30 araw na mandatory grace period o palugit na ibinibigay ng batas para sa mga utang na may due date na papatak sa loob ng panahon ng ECQ. Sa katunayan nga, kahit napirmahan mo na ang waiver na hinihiling sa iyo ay wala pa rin itong magiging bisa dahil malinaw na hindi ito kikilalanin sa ilalim ng batas.

Hindi mo rin naman kailangan pang makiusap ukol sa pagpapataw ng karagdagang interes sa inutang mo dahil nakasaad din sa implementing rules ng Bayanihan Act na ipinagbabawal ang pagpapataw ng interes sa ibabaw ng interes at ng iba pang bayarin katulad ng late payment fees para sa mga utang na kailangang bayaran sa loob ng panahon ng ECQ."
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Waiver sa palugit na ibinibigay ng batas sa pagbabayad ng utang, nararapat ba?" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 193 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 0