Ang Alkansya ni BoyetTinatalakay ng kwento ang buhay ng isang simpleng batang si Boyet, mapagmahal sa pamilya at isang responsableng anak. Alam nito ang hirap ng kanilang pamilya: ang kanyang ama ay isang magsasaka sa inuupahang lupa at ang kanyang ina nama’y maybahay na minsan ay nagtitinda sa palengke lamang. Apat silang magkakapatid kung kaya’t laking takot ng mga magulang niya nang nasira ang kanilang mga pananim dahil sa bagyo at wala silang mapagkukunan ng pantustos sa pang-araw araw na buhay. Makapag-aaral pa kaya si Boyet?Inibabahagi ng kwento ang asal na kung marunong mag-ipon o mag konserba ang isang tao ay may maidudukot ito sa panahon ng tagtuyot o kahirapan. Dapat ay isipin ng tao ang kanilang kinabukasan at hindi lamang mabuhay ng waldas sa kasalukuyan.Isang Aral Para Kay ArmandoBagama’t bata ay malikot at makulit na si Armando. Napakaraming tanong ang tinatanong nito sa kanyang ina at ang isa na rito’y kung bakit napakaraming pinagbabawal sa kanya. Para sa kanya’y matanda na siya’t hindi na tama ang pambabakod ng kaniyang nanay sa kanyang mga gawain. Sinubok niya ito nang lumangoy siya sa ilog ng may napakalakas na agos, kahit na mahigpit na bilin ng kaniyang inay na huwag itong gawin.Ang kwento’y isang napakalaking representasyon na tayo’y dapat sumunod sa ating mga magulang sapagka’t sila ang mas nakaaalam at nais lamang nilang mapabuti ang ating buhay. Itinuturo rin ng kwento na tayo’y dapat may malapit na relasyon sa Diyos na ating sinasamba.What’s your Reaction?+1 18+1 17+1 3+1 9+1 2+1 6+1 2 Facebook Twitter" - https://www.affordablecebu.com/
Home » Articles » Literature |
Maikling kwento tungkol sa pamilya
Maikling kwento tungkol sa pamilya
Ang Alkansya ni BoyetTinatalakay ng kwento ang buhay ng isang simpleng batang si Boyet, mapagmahal sa pamilya at isang responsableng anak. Alam nito ang hirap ng kanilang pamilya: ang kanyang ama ay isang magsasaka sa inuupahang lupa at ang kanyang ina nama’y maybahay na minsan ay nagtitinda sa palengke lamang. Apat silang magkakapatid kung kaya’t laking takot ng mga magulang niya nang nasira ang kanilang mga pananim dahil sa bagyo at wala silang mapagkukunan ng pantustos sa pang-araw araw na buhay. Makapag-aaral pa kaya si Boyet?Inibabahagi ng kwento ang asal na kung marunong mag-ipon o mag konserba ang isang tao ay may maidudukot ito sa panahon ng tagtuyot o kahirapan. Dapat ay isipin ng tao ang kanilang kinabukasan at hindi lamang mabuhay ng waldas sa kasalukuyan.Isang Aral Para Kay ArmandoBagama’t bata ay malikot at makulit na si Armando. Napakaraming tanong ang tinatanong nito sa kanyang ina at ang isa na rito’y kung bakit napakaraming pinagbabawal sa kanya. Para sa kanya’y matanda na siya’t hindi na tama ang pambabakod ng kaniyang nanay sa kanyang mga gawain. Sinubok niya ito nang lumangoy siya sa ilog ng may napakalakas na agos, kahit na mahigpit na bilin ng kaniyang inay na huwag itong gawin.Ang kwento’y isang napakalaking representasyon na tayo’y dapat sumunod sa ating mga magulang sapagka’t sila ang mas nakaaalam at nais lamang nilang mapabuti ang ating buhay. Itinuturo rin ng kwento na tayo’y dapat may malapit na relasyon sa Diyos na ating sinasamba.What’s your Reaction?+1 18+1 17+1 3+1 9+1 2+1 6+1 2 Facebook Twitter" - https://www.affordablecebu.com/ Please support us in writing articles like this by sharing this postShare this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.
--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website. "Maikling kwento tungkol sa pamilya" was written by Mary under the Literature category. It has been read 420 times and generated 0 comments. The article was created on 29 January 2023 and updated on 29 January 2023. |
|
Total comments : 0 | |