Ano ang Organic Product?Ang mga organic products ay gawa sa raw materials na hindi ginagamitan ng mga synthetic fertilizers, pesticides, bleach, at iba pang harmful chemicals. Ang mga farms din kung saan tinatanim ang mga organic products na ito ay dapat malayo sa mga non-organic farms para maiwasan ang cross contamination na nadadala ng hangin at tubig.Ang regulations para masabing organic ang isang produkto ay depende sa iba’t ibang bansa. Sa Pilipinas, ang Organic Certification Center of the Philippines o OCCP ay isang private organization kung saan maaring kumuha ng certification para masabing organic ang mga product na ibinebenta sa mga consumer. Hindi madali ang pagkuha ng certification dahil kinakailangan sumunod sa standards at makapasa sa inspection na isasagawa. Sa bansang U.S.A, para masabing organic ang isang produkto ay dapat napalaki ang crops ng hindi gumagamit ng synthetic pesticides, bioengineered genes (GMOs), petroleum-based fertilizers, at sewage sludge-based fertilizers.Para naman maging organic ang mga livestocks gaya ng manok, baboy, baka, o kambing na pinapalaki para maging meat, eggs, at dairy products, ay kailangang mayroon silang access sa outdoors at pinapakain ng mga organic food. Hindi dapat mabigyan ang mga livestocks na ito ng antibiotics, growth hormones, o anumang animal by-products.Ano ang benepisyo ng organic foodAng mga organic food ay mas maraming antioxidant compounds na mas makapagpapabuti ng kalusugan. Kadalasan, ang mga organic food ay mas fresh dahil wala itong mga preservatives. Ang mga organic meat at milk ay mas mayaman sa nutrients gaya ng omega-3 fatty acids kumpara sa mga conventional food.<img decoding=""async"" width=""640"" height=""427"" src=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2019/12/grocery-936058_1280-1.jpg"" alt=""grocery 936058 1280 1"" class=""wp-image-2453"" srcset=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2019/12/grocery-936058_1280-1.jpg 640w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2019/12/grocery-936058_1280-1-300x200.jpg 300w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2019/12/grocery-936058_1280-1-450x300.jpg 450w"" sizes=""(max-width: 640px) 100vw, 640px"" title=""Pinagkaiba ng Organic vs Non-Organic Products - Gabay.ph""> Photo Courtesy of PixabayAno ang Non-Organic ProductAng non-organic products o kilala rin sa tawag na conventional products ay kadalasang mas mura kumapara sa organic counterpart dahil sa farming at growing method ng mga ito.Ang proseso sa industrialization ay kailangan ng malalaking yield o ani. Posible ito dahil inaaalagan ang mga crops gamit ang synthetic chemicals gaya ng pesticides, herbicedes, radiation thery, fertilizers, at genetically engineered seeds. Ang mga synthetic chemicals na ito ay hindi agad-agad nagpapakita ng mga epekto sa katawan ng tao ngunit sa patuloy at labis na pagkonsumo nito, ang katawan ay unti-unting humihina. Ang tawag sa mga produkto na gawa sa ganitong klase ng proseso ay tinatawag na non-organic food.May iba’t iba ring klase ng non-organic food ang kadalasang nakikita natin sa mga grocery at supermarket. Ilan dito ang mga sumusunod:
Processed foods Ang mga processed food gaya ng milk powder, ketchup, mga palaman, at baby food ay tinatawag na convenient food. Sa proseso ng pag gawa ng mga food products na ito, ang mga vitamins at minerals ay kadalasang natutunaw o nasisira. Gumagamit din ng food colors at artificial essence para mapaganda ang itsura at mapasarap ang lasa ng mga produktong ito. Ang paglalagay naman sa mga ito synthetic preservatives ang tumutulong para mas mapatagal ang shelf life.Pre cooked/ready to cook Ang mga ready to eat vegetables, juices, cup noodles, at gatas ay may malaking amount ng chemical preservatives na kadalasan ay nagpapakita agad ng epekto sa kalusugan sa loob lamang ng ilang oras pagkatapos kumonsumo nito. Ang mga gatas sa carton ay mayroong preservatives at artificially induced pro-biotic at ang mga juice naman ay puno ng artificial sweetener at artificial essence ng prutas na ginamit para sa flavor ng juice na ito.Bakery products Lingid sa kaalaman ng iba, ang bakery products ay hindi dapat na kainin araw-araw. Kadalasan ay sinasabing ang mga animal saturated fats ay pinapalitan ng nuts at seeds oil, soybean o tofu, at coconut milk ngunit ang pagkakaroon ng mga iyon ng high saturated fat ay hindi acceptable para sa long term health. Dapat moderate lamang ang pag consume ng mga produktong ito.Commercial food industry / RestaurantSa mga fast food chains at ilang restaurant, ang freshness ay kadalasang imposibleng i-maintain. Ang mga pagkain dito ay ginagawa sa malaking production. Isang example dito ang mga gravy na kadalasang pre-cooked at nakatabi sa frozen section sa loob ng ilang linggo o buwan. Ang leftover food ay kadalasang itinatabi para magamit at maibenta pa kinabukasan. Kaya ang pagkain ng madalas sa mga ganitong klase ng kainan ay may masamang epekto sa ating kalusugan.<img decoding=""async"" width=""640"" height=""427"" src=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2019/12/chicken-918418_1280-1.jpg"" alt=""chicken 918418 1280 1"" class=""wp-image-2454"" srcset=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2019/12/chicken-918418_1280-1.jpg 640w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2019/12/chicken-918418_1280-1-300x200.jpg 300w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2019/12/chicken-918418_1280-1-450x300.jpg 450w"" sizes=""(max-width: 640px) 100vw, 640px"" title=""Pinagkaiba ng Organic vs Non-Organic Products - Gabay.ph""> Photo Courtesy of PixabayOrganic vs. Non-OrganicMay iba’t ibang klase ng proseso ang organic at non-organic products. Ang ilan dito ay ang sumusunod: Organic ProduceNon-Organic ProducePinapalaki at pinatutubo ang mga halaman gamit ang natural fertilizers. Pinapalaki at pinatutubo ang mga halaman gamit ang synthetic at chemical fertilizers. Natural methods ang ginagamit laban sa weeds tulad ng crop rotation, hand weeding, mulching, at tilling.Kinokontrol ang weeds gamit ang chemical herbicides.Gumagamit ng mga ibon, insekto, traps, at naturally-derived pesticides laban sa mga pests.Synthetic pesticides ang ginagamit sa pag kontrol sa mga pests.Organic meat, dairy, eggsNon-organic meat, dairy, eggsBinibigyan lamang ng organic at walang halong hormones at GMO (Genetically Modified Organisms) ang kinakain ng mga livestocks.Binibigyan ng hormones ang mga livestocks upang mas mabilis ang paglaki nila. Pinapakain din sila ng mga non-organic at GMO feeds.Gumagamit ng natural method upang makaiwas sa mga disease tulad ng healthy diet, clean housing, at rotational grazing.Antibiotics at iba pang medications ang ginagamit sa mga livestocks upang makaiwas sa mga sakit.Kailangang may access sa labas o outdoors ang mga livestocks.Maaaring magkaroon ng access sa labas o wala ang mga livestocks.Sa madaling salita, nasa sa ating preference kung anong klaseng pagkain ang ating kakainin.
Ang kahalagahan ng kalusugan ay importateng maintindihan at ang pagkakaroon ng malusog at masiglang pangangatawan ay epekto ng ating pinipiling lifestyle. Tandaan na what you eat is what you are at ang ating kalusugan ay ang ating kayamanang kailangan pangalagaan hanggang sa ating pagtanda.What’s your Reaction?+1 0+1 0+1 0+1 1+1 0+1 0+1 0 Facebook Twitter" - https://www.affordablecebu.com/