Home » Articles » Schools / Universities

Ano Ang Kahulugan Ng Korido? (Sagot) KORIDO – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang isang korido at ang kahulugan ng sali...

Ano Ang Kahulugan Ng Korido? (Sagot)



KORIDO – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang isang korido at ang kahulugan ng salitang ito.Ang salitang Korido ay hango sa Kastilang salita na “Correr”. Ito’y nangagnahulugan na “dumadaloy”. Bukod dito, ang Korido rin ay isang panitikang Pinoy na may anyo na patula at mabilis.



 Maihahalintulad ang kabilisang ito sa isang martsa. Karagdagan, ito ay maihahalintulad rin sa isang kwentong naglalaman ng mga pangyayaring kagilasgilas o mayroong nakakamanghang pakikipagsapalaran.Dahil ito ay isang panitikang patula, ang isang Korido ay mayroong ring pormat na sinusunod. Karaniwang mayroong sukat na walong pantig ang korido sa bawat linya nito. Pagkatapos, ang bawat linya ay may apat na linya sa bawat saknong.



 
Ang mga tanyag na halimbawa ng isang Korido ay ang ibong Adarna at ang Mitong “Bernardo Carpio”.

Atin ring kailangang malaman na ang isang awit at korido ay magkapareho sa ibang mga aspeto. Isa na dito ay ang kanilang patulang salaysay na paawit kung basahin. Pero naiiba ito sa sukat at tempo.



 
Ang awit ay nagpapahiwatig ng mga aral samantalang sa korido ang ikinawiwili ng mambabasa ay ang kuwento o kasaysayang napapaloob dito.



Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.



 
BASAHIN DIN: Kahulugan Ng Marco Polo – Ano Ang Kahulugan Ng Kasabihang Ito?
 



 
















1 comment(s) for this post "Ano Ang Korido? Kahulugan At Halimbawa Ng Salitang Ito". Tell us what you think abut this post by leaving your comments below.






 
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Ano Ang Kahulugan Ng Korido? (Sagot) KORIDO – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang isang korido at ang kahulugan ng sali" was written by Mary under the Schools / Universities category. It has been read 393 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 05 September 2021.
Total comments : 0