Home » Articles » Schools / Universities

Heto Ang Mga Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Bayani TULA PARA SA BAYANI – Sa paksang ito, ating pag-aaralan ang mga halimbawa ng tula tungko

Heto Ang Mga Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Bayani



TULA PARA SA BAYANI – Sa paksang ito, ating pag-aaralan ang mga halimbawa ng tula tungkol sa ating mga bayani at ang kahulugan nito.Ang ating mga bayani ay ang mga taong ginawa ang lahat ng makakaya nila para sa ating bansa. Inuna nila ang kapakanan ng mas nakararami kesa sa kanilang mga sarili.



 Maraming halimbawa ng mga bayani katulad nina Dr. Jose Rizal at Andres Bonifacio. Ngunit, may mga moderno ring bayani katulad ng mga guro at ang mga doktor. Heto ang mga tula na ginawa para sa mga bayani:Bayani ng Lupa/Sulat ni Jun Lit



 
Tila nagtatanong, tanang mga muthâ“Saan ba nagpunta ang payat na mamà?”“Ilang buwan na bang hindi gumagalàdito sa ‘ming parang na kanyang tumanà?”

Baguhin ang mundo’y dakilang pangarapSubali’t mailap mga alapaapKung kaya’t bumangon kahit na mahirapDal’wampung ektarya’y pinagyamang ganap



 
Mahabang panahong masugid na nagmamahalSa katuwang sa puso at kasintahang walang pagalPati na sa gagamba at lahat halos na nilalangPati na butiking naghatid ng liham



Henyong ermitanyo ba o maestro pilosopo?Iba ang pananaw, sa buhay, sa mundoLahat ay magkakaugnay at ang taoay tuldok lang at di panginoong sentro.



 
Pag-ibig sa bayan at kapaligiranAy di sagabal sa mithing kaunlaranBasta’t angkop sa kaya ng pamayananSadyang sustenable at di pangdayuhan



Bakas sa landas na kanyang nilakaranLarawan ng diwang tunay, makabayanPuso at isipang makakalikasanKarapat-dapat na pagbalik-aralan



Sa Araw ni Ninoy, araw ng pagpanaw,Sa Araw ng mga Bayani hihimlayBayani ng Lupa, may basbas ng araw,ng ulan. Binuo ang ikot ng buhay.



“Bayani ng Kahapon”/Sulat ni Danica Parra



Kayo ay hindi na lubos malimutan,Hanggang ngayon ay pinag aaralan sa paaralan.Tinatalakay ang inyong kahalagahan,Tagumpay na ipinanalo nyo sa bawat laban. Ang mga dayuhang mapangmaltrato,Sasaktan at tatawagin tayong Indio.Sa pagtatanggol ay hindi nyo kami binigo,Wala kami rito kung hindi dahil sa inyo. Bayani ng kahapon, Mananatili kayo hanggang sa ngayon.Utang namin ang aming kalayaan,Panahon naman para kaming kabataan ang lumaban.



Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.




 
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Heto Ang Mga Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Bayani TULA PARA SA BAYANI – Sa paksang ito, ating pag-aaralan ang mga halimbawa ng tula tungko" was written by Mary under the Schools / Universities category. It has been read 489 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 06 September 2021.
Total comments : 0