Home » Questions » Unexperienced [ Ask a new question ]

"Essay para sa depression ng mga kabataan kailangan ko na bukas eh"

"Essay para sa depression ng mga kabataan kailangan ko na bukas eh"

Asked by: Guest | Views: 33
Total answers/comments: 1
Guest [Entry]

"DEPRESSION NG MGA KABATAAN

Sa bagong sistema ng Kto12 hindi natin namalayan na marami-rami na palang mga estudyanteng nagkakaroon ng depresyon. Una nito ay ang mga takdang aralin o kung ano pang mga proyekto na napakarami, para na ngang mga guro ang ibang estudyante ngayon. Nagkabuhol-buhol ang dapat gawin ng mga estudyante, dagdag pa ang mga gawain sa bahay. Halimbawa, may binigay na takdang aralin ang limang subject at may proyekto pa ng tatlong subject at deadline ng mga iyon ay bukas. Pagkadating ng estudyante sa bahay, gagawin pa niya ang ibang trabaho sa bahay. Matatapos yung mga takdang aralin at proyektong iyon ay sa gitna na ng gabi. Kinabukasan ay gigising ng maaga. Depresyon na iyon para sa mga estudyante. Maliit nalang ang oras na makapagsaya ang isang estudyante. May pagkakataon nga na bibigyan pa ng napakaraming takdang aralin at proyekto ang estudyante tuwing biyernes dahil nga may sabado at dominggo. Ngunit, dapat na isioin ng ibang guro na limitin ang pagbibigay ng mga takdang aralin o di kaya'y mga proyekto sa mga araw na iyon. Yun lang ang araw na makapaghinga ang mga estudyante at makasama ang kanyang pamilya na kompleto. Ngunit hinadlang lang ang mga iyon dahil nga sa napakadaming binigay na mga takdang aralin o proyekto.
-------
mahabahaba pa sana ito..kaso nga lang tinamad akong magtype..sorry...kayo na nga lang ang magtapos.."