Ako po ay tatlong buwan pa lamang sa aking pinapasukang trabaho. Ako po ay nagtanong sa aking boss kung mayroon ba akong matatanggap na 13th month pay ngayong Disyembre ngunit ang sabi niya sa akin ay hindi raw ako mabibigyan dahil dapat ako muna ay nakapagtrabaho sa kanilang kompanya ng anim na buwan. May nakapagsabi naman po sa akin na maaring makatanggap ng 13th month pay basta’t nakapagsimula na ako sa kompanya. Gusto ko lang sanang linawin kung maari ba akong umasa sa 13th month pay kahit na ako ay tatlong buwan pa lang sa aming kompanya? —Lily
Dear Lily,
Makatatanggap ka ng 13th month pay. Nakasaad sa Implementing Rules ng 13th Month Pay Law na ang mga employer ay required na bigyan ang lahat ng kanilang rank-and-file employees ng 13th month pay kahit na ano pa man ang kanilang employment status basta’t sila ay nakapagtrabaho na sa kanilang kasalukuyang employer ng hindi bababa sa isang buwan. Ayon din sa batas, ang 13th month pay ay dapat maibigay ng kompanya sa kanilang mga empleyado bago ang ika-24 ng Disyembre.
Dahil ikaw ay nakapagtrabaho na ng tatlong buwan na sa iyong kompanya, malinaw na ikaw ay dapat makatanggap ng 13th month pay na katumbas ng kabuuang sahod na tinanggap mo mula sa iyong kasalukuyang employer ngayong taon na ito (sa kaso mo ay suma total ng tatlong buwang sahod mo) at pagkatapos ay hatiin o i-divide mo ang halagang ito sa 12." - https://www.affordablecebu.com/