Home » Articles » Legal Advice

Maari bang ipagpaliban ang pagbabayad ng 13th month pay sa mga sempleyado?...

Maari bang ipagpaliban ang pagbabayad ng 13th month pay sa mga sempleyado?
"Dear Attorney,

Isa po ang mga negosyo ko sa tinamaan ng pandemic. Gusto ko po sanang malaman kung maari ko bang ipagpaliban ang pagbabayad ng 13th month pay sa aking mga empleyado dahil ngayon pa lang po nakakabawi ng unti-unti ang aking negosyo? —Allen

Dear Allen,




Bagama’t marami talagang negosyo ang naapektuhan ng pandemya, hindi naman ibig sabihin nito ay hindi na kailangang tuparin ng mga employer ang kanilang obligasyon na bayaran ang 13th month pay ng kanilang mga empleyado.

Malinaw na nakasaad sa Presidential Decree (PD) No. 851 na pagsapit ng ika-24 ng Disyembre ay kailangang nabayaran na ng employer ang 13th month pay ng kanilang mga empleyado na katumbas ng 1/12 ng kabuuang sinahod nila sa buong taon. Bukod dito, nakasaad din sa PD No. 851 na lahat ng employers ay covered ng patakaran na ito.




Upang maging malinaw na patuloy ang pagpapatupad ng patakarang ito sa kabila ng pandemya, nag-isyu pa nga ang Department of Labor and Employment (DOLE) noong Oktubre 16, 2020 ng Labor Advisory  N0. 28-2020 kung saan mariing nakasaad na walang employer ang maaring humiling ng exemption o kahit ng palugit man lang sa pagbabayad ng 13th month pay.

Nakasaad din sa nasabing Labor Advisory na kailangang i-report ng employer sa DOLE pagsapit ng Enero 15 ng susunod na taon ang naging compliance o pagsunod nila sa batas ukol sa pagbabayad ng 13th month pay sa kanilang mga empleyado.

Base sa nabanggit, malinaw na walang employer ang makakaligtas sa pagbabayad ng 13th month pay ngayong taon. Dahil dito, mas makabubuti kung tumalima na lamang sa sinasasabi ng batas upang hindi na magkaroon pa ng mga suliraning legal na siguradong magdudulot din ng dagdag na gastos at abala."
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Maari bang ipagpaliban ang pagbabayad ng 13th month pay sa mga sempleyado?" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 111 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 0