Home » Articles » Legal Advice

Anak sa pagkadalaga, maari bang gamitin ang apelyido ng kasalukuyang asawa?...

Anak sa pagkadalaga, maari bang gamitin ang apelyido ng kasalukuyang asawa?
"Dear Attorney,

May anak po ako sa pagkadalaga na ngayon ay inaalagaan namin ng aking asawa ngayon. Parang sariling anak na po ang turing ng aking asawa sa kanya kaya iniisip ko po kung maari bang gamitin ng bata ang kanyang apelyido para hindi naiiba ang pangalan niya sa iba kong anak. Kailangan pa bang ampunin ng asawa ko ang anak ko sa pagkadalaga para magamit ng bata ang apelyido niya? May nakapagsabi po kasi na maari na namang gamitin ng bata ang apelyido dahil kasal na ako sa asawa ko ngayon. --Yolly

Dear Yolly,




Ang isang illegitimate child ay maaring maging legitimate sa pamamagitan ng proseso na kung tawagin ay legitimation. Gayunpaman, hindi lahat ng illegitimate child ay maaring legitimate sa pamamagitan ng prosesong ito. Ayon sa Article 177 ng Family Code na inamyendahan ng Republic Act No. 9858, kailangang walang hadlang sa pagpapakasal ng mga magulang ng illegitimate child nang siya ay ipinanganak o kung may hadlang man, ito ay dahil sa wala pang 18-anyos sila pareho o isa sa kanila. Magiging legitimate child na ang bata kapag nagpakasal na ang kanyang mga magulang.

Base sa probisyon na ito, hindi angkop ang proseso ng legitimation sa layunin mo na magamit ng anak mo ang apelyido ng asawa mo. Hindi naman kasi ang asawa mo ngayon ang tunay na ama ng iyong anak. Maari lamang ang legitimation kung ang biological parents mismo ng illegitimate child ang magpapakasal.




Adoption ang kailangan niyong gawin kung gusto mo na lang maging lehitimong anak ng iyong asawa ang batang anak mo sa pagkadalaga. Kailangan n’yong mag-file ng petisyon sa korte upang simulan ang proseso na ito.

Paalala lamang sa ating mga mambabasa na ang nakasaad na legal advice dito ay batay lamang sa inilahad ng sumulat at maaring hindi ito maging angkop sa ibang sitwasyon. Mas mainam pa rin na kayo ay personal na kumunsulta sa isang abogado para sa inyong mga problemang legal."
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Anak sa pagkadalaga, maari bang gamitin ang apelyido ng kasalukuyang asawa?" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 182 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 0