Home » Articles » Legal Advice

Mga nakikitira lang sa lupa, maari bang magpatira ng ibang tao?...

Mga nakikitira lang sa lupa, maari bang magpatira ng ibang tao?
"Dear Attorney,  

Noong 1980s, hinayaan po ng tatay ko na tumira sa lupa namin sa probinsiya ang matagal na naming katiwala. Ngayon po ay yumao na ang katiwala at ang nakikitira na ay ang kanyang anak. Tanong ko lang po Attorney kung maari mo bang ipasa o ipamana sa iba ang pagpapatira sa lupa kung ikaw ay nakikitira lang din naman? —May

Dear May,




Tanging ang may-ari lang ng lupa ang maaring magpasya kung anong gusto niyang gawin dito. Kaya kung ang tatay mo ang may titulo o ang may-ari ng lupa, maari niyang paalisin kahit kailan ang sinumang nakatira roon.

Hindi maaring ipasa o ipamana sa iba ang pagpapatira sa lupa kung hindi naman sa kanya ito dahil unang-una, wala naman siyang karapatan sa lupa na maaring ipamana o ipasa sa iba.




Ang tanging dahilan kung bakit nagawa ng dati ninyong katiwala na makatira sa inyong lupa ay dahil hinayaan lamang ito ng iyong tatay. Kaugnay nito, ang tanging basehan din ang pagtira ngayon ng kanyang anak doon ay dahil hinahayaan lang din ito ng tatay mo.

Maari n’yong paalisin ang mga nakitira ngayon sa lupa ng  iyong tatay sa pamamagitan ng pagbigay sa kanila ng demand letter kung saan nakasaad na pinapaalis n’yo na sila sa inyong lupa.

Kung magmatigas, kakailanganin n’yo munang sumangguni sa barangay bago kayo makapagsampa ng kasong ejection laban sa kanila."
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Mga nakikitira lang sa lupa, maari bang magpatira ng ibang tao?" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 69 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 0