Home » Articles » Legal Advice

Hindi makabayad ng utang, pinagbabantaan...

Hindi makabayad ng utang, pinagbabantaan
"Dear Attorney,

May pinagkakautangan po ako na sunud-sunod ang pagpapadala sa akin ng mga mensahe sa Facebook at text na nagsasabing magbayad na raw ako ng utang ko. Walang tigil din po ang pagtawag niya sa cell phone at nagbabanta pa siya na ipapakulong niya raw ako sakaling hindi po ako makabayad sa katapusan ng buwan. Lahat po ng ito ay sa kabila ng pagpapaliwanag ko sa kanya na wala akong maibabayad sa ngayon dahil sa kasalukuyan ay wala akong sinasahod dahil sa lockdown. Tama po ba ang harrassment na ginagawa niya at makukulong po ba talaga ako kung sakaling hindi ako makapagbayad sa ngayon ng utang ko?  – Gerry

Dear Gerry,




Bagama’t may obligasyon kang bayaran ang inutang mo at wala namang masama sa paniningil ng isang utang, kung sa tingin mo ay harrassment na ang ginagawa sa iyo ay maari mong ireklamo ng kasong unjust vexation ang nangungulit sa iyo.

I-save mo ang screenshots ng texts at Facebook messages ng naniningil sa iyo. Tandaan mo rin ang petsa ng mga tawag niya sa iyo at kung ano ang mga sinabi niya upang maging pruweba na panggugulo na ang ginagawa sa iyo.




Kung hindi ka naman nanloko at kung hindi ka naman nag-isyu ng tseke sa naging transaksyon n’yo ay malabong makulong ka dahil sa utang mo. Walang maaring makulong dahil sa utang, bukod na lang kung may ginawang panloloko o nag-isyu ng tumalbog na tseke ang umutang.

Hindi naman ibig sabihin ng lahat ng ito ay hindi ka na maaring pananagutin sa korte ng inutangan mo. Maari ka pa rin niyang sampahan ng kasong sibil upang mabawi ang halagang hiniram mo."
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Hindi makabayad ng utang, pinagbabantaan" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 270 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 0