Home » Articles » Legal Advice

Mga kailangang tandaan sa pagbibigay ng financial assistance sa mga empleyado...

Mga kailangang tandaan sa pagbibigay ng financial assistance sa mga empleyado
"Dear Attorney,

Gusto ko po sanang bigyan ng kaunting financial assistance ang aking mga empleyadong pan­sa­mantalang walang sahod dahil suspendido ang operasyon ng aking­ negosyo bunsod ng enhanced community quarantine (ECQ). Ano ba ang mga kaila­ngan kong tandaan bilang employer kung gusto kong bigyan ng ayuda ang aking mga empleyado?

– Jenny




Dear Jenny,

Maganda ang layunin mo dahil ang pagbibigay ng tulong sa mga manggagawa ngayong panahon ng pandemya ay isa sa mga pina­pakiusap ng ating pamahalaan sa mga employer na katulad mo.




Maipapayo ko lang na mas maganda na sa halip financial assistance ay ang kaukulang 13th month pay na lang para sa mga nakaraang buwan ang iyong ibigay sa mga empleyado mo.

Kakailanganin mo rin namang ibigay ang 13th month pay sa dulo ng taon kaya mas maganda kung ibigay mo na ngayon ang kaukulang bahagi nito kung kailan lubos na nangangailangan ang mga empleyado mo.

Mas magandang bahagi ng 13th month pay na lang ng mga emple­yado mo ang iyong ibigay kaysa sa financial assistance dahil kabawasan na ito sa mga kailangan mong bayaran sa dulo ng taon.

Kung desidido ka naman na tulong pinansyal lang ang ibigay mo ay siguraduhin mo na lilinawin mo sa mga empleyado mo na ito ay “one-time” na ayuda lamang at ibinigay mo lamang ito dahil sa nararanasang krisis ngayon.

Mahalaga ang paglilinaw na ito dahil may posibilidad na mabansagang “company practice” ang pagbibigay mo ng financial assistance sa mga empleyado at maaring mahabla ka o ang iyong kompanya kung hindi ito maibigay sa mga susunod na pagkakataon.

Sa ilalim kasi ng labor law, hindi maaring basta-bastang itigil ng isang employer ang pagbibigay ng mga benepisyong kara­niwan at regular na niyang ibinibigay sa kanyang mga empleyado. Ang pagbibigay ng mga benepisyong ito, kahit na wala naman sa kontrata o hindi naman ipinag-uutos ng batas, ay matatawag ng “company practice” at maaring magsampa ng reklamo ang mga empleyado kung hindi na ito maibigay sa kanila."
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Mga kailangang tandaan sa pagbibigay ng financial assistance sa mga empleyado" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 241 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 0