Home » Articles » Legal Advice

30-day notice para sa mga masisisanteng empleyado dahil sa pagsasara ng kompanya...

30-day notice para sa mga masisisanteng empleyado dahil sa pagsasara ng kompanya
"Dear Attorney,

Plano ko na pong magsara ng negosyo dahil sa pagkalugi na dulot nitong community lockdown na ipinatutupad ngayon.

Ano po ba ang mga kailangan kong gawin ukol sa mga empleyado kong mawawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng aking kompanya? --Wilson




Dear Wilson,

Kailangang sumunod ng mga employers sa tinatawag na “procedural due process” sakaling sila ay magtatanggal ng kanilang empleyado.




Ang ibig sabihin ng procedural due process na ito, sa sitwasyon mo, ay ang pagbibigay ng notice sa mga empleyado na sila ay mawawalan na ng trabaho dahil magsasara na ang kompanya bunsod ng pagkalugi.

Ayon sa Labor Code, kailangan mong maibigay ang notice na ito sa mga empleyado mo ng hindi bababa sa tatlumpung (30) araw bago ang nakatakdang pagsasara ng iyong kompanya.

Bukod sa mga empleyado mo ay kailangan mo ring ipadala ang kopya ng notice na ito sa Regional Office ng Department of Labor and Employment kung saan matatagpuan ang iyong kompanya.

Kung sakaling hindi mo masunod ang mga itinakdang ito ng batas ay mahaharap ang iyong kompanya sa pagbabayad ng multang hindi bababa sa P50,000.

Ito ay base sa naging desisyon ng Korte Suprema sa kaso ng Jaka Food Processing vs. Darwin Pacot (454 SCRA 119)."
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"30-day notice para sa mga masisisanteng empleyado dahil sa pagsasara ng kompanya" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 226 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 0