Home » Articles » Legal Advice

Extension para sa mga kailangang i-file sa mga korteng apektado ng MECQ...

Extension para sa mga kailangang i-file sa mga korteng apektado ng MECQ
"Dear Attorney,

Required po ba ang mga pribadong kompanya na katulad ng pinapasukan ko na magbayad ng hazard pay ngayong nasa ECQ pa rin ang lugar namin?  – Joel

Dear Joel,




Hindi required ang mga pribadong kompanya na patuloy ang operasyon sa ilalim ng enhanced community quarantine o ECQ na magbayad ng hazard pay sa mga empleyado nito.

Gayunpaman, sa ilalim ng Administrative Order No. 26 na pinirmahan ni President Duterte, ipinag-uutos ang pagbibigay ng hazard pay sa mga empleyado ng gobyerno na pumasok sa trabaho sa panahon ng lockdown.




Nakasaad din sa nabanggit na AO ang taimtim na pakiusap ng gobyerno sa mga pribadong ospital at health facilities na bayaran ng hazard pay ang health workers at staff nila dahil sa panganib na dulot ng coronavirus na kinakaharap nila araw-araw.

Base sa nabanggit, hindi talaga required sa private companies ang pagbabayad ng hazard pay ngayong panahon ng pandemya. Maari ka sigurong umasa kung ikaw ay namamasukan sa isang ospital o health facility ngunit kung babasahin ang nabanggit kong AO, makikita na ang pagbabayad nito ay nakadepende pa rin sa kagustuhan ng kompanya dahil wala namang nakatakdang kaparusahan sa hindi pagtalima sa pakiusap ng ating gobyerno."
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Extension para sa mga kailangang i-file sa mga korteng apektado ng MECQ" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 200 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 0