Home » Articles » Literature

Mga Slogan tungkol sa Mapagbigay

Ang pagiging mapagbigay ay isang magandang katangian na dapat mong taglayin o linangin.

Sa pagbibigay mo sa mga taong nangangailangan o hindi nangangailangan ng tulong, unti-unti kang nag-iimbak ng magandang karma sa iyong buhay.
Kung baga sa halaman, nagtatanim ka ng mga magagandang buto para marami kang aanihin sa hinaharap.

Gaya ng realidad sa buhay na ito, kapag sa panahon na ikaw naman ang naghihirap o nangangailangan, meron kang mga taong malalapitan para hingan ng tulong. 

Sa madaling sabi, "give and take" ang buhay. Kapag nagbigay ka, meron kang matatanggap sa iyong tadhana.

Upang lalong paigtingin ang iyong damdamin upang maging mapagbigay, narito ang mga slogan tungkol sa mapagbigay na naghihimok upang pukawin ang magandang katangiang ito.
 
Mga Slogan tungkol sa Mapagbigay

Mga Slogan tungkol sa Mapagbigay

  1. Ang pagiging mapagbigay,
    Gawing kagalakan sa buhay. ;o)
  2. Kapag nagbibigay ka nang kusa,
    Natutuwa ang iyong kapwa.
  3. Maging mapagbigay,
    Upang sumagana ang buhay.
  4. Wag maging sakim,
    Upang landas mo'y hindi dumilim.
  5. Maging huwaran,
    Magbigay sa mga nangangailangan.
  6. Naiibsan ang kahirapan,
    Sa pagbibigay mo sa mga nangangailangan.
  7. Ang nagbibigay sa mga nangangailangan,
    Sa kanila ang kaharian sa kalangitan.
  8. Mapagbigay sa Diyos at sa tao,
    Ang may mabuting puso.
  9. Puso'y punuin ng kagalakan,
    Maging mapagbigay sa mga nangangailangan.
  10. Mahirap man o mayaman,
    Tungkulin nating lahat na bigyan ang nangangailangan.
Meron ka bang ibang slogan tungkol sa mapagbigay? Pwede mong ipost sa comment sa ibaba.

Isasama namin ang iyong slogan sa listahan sa itaas kasama ang iyong pangalan.
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.
"Mga Slogan tungkol sa Mapagbigay" was written by under the Literature category. It has been read 143 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 16 March 2021.
Total comments : 0