Home » Articles » Schools / Universities

Mga Kahinatnan o Ibubunga Kapag Mambu-bully Ka Sa Iyong Kaklase Dahil Sa Utos ng Barkada

Hindi masama magkaroon ng barkada. 

Ang masama kapag pinili mo ang masamang barkada o ang barkada na nagbibigay ng kapahamakan sa iyo at sa ibang tao.

Kapag inuutusan ka ng iyong barkada na mambully ka sa iyong kaklase, hindi ito mabuti dahil pinapahamak mo ang iyong sarili at binibigyan mo ng kahihiyan ang iyong kaklase.

Anu-ano nga ba ang mga magiging kahinatnan kapag mambu-bully ka sa iyong kaklase dahil sa utos ng iyong barkada.
Mga Kahinatnan o Ibubunga Kapag Mam-bully sa Kaklase dahil sa Utos ng Barkada

Mga Kahinatnan Kapag Mambu-bully Ka sa Iyong Kaklase Dahil sa Utos ng Iyong Barkada

  1. Sabihin man nating naging loyal ka sa iyong barkada pero masama pa rin ito dahil binibigyan mo ng kahihiyan ang iyong kaklase.
  2. Magiging feeling proud ka dahil nasunod mo ang utos ng iyong barkada pero bumaba naman ang iyong dangal sa ibang tao at sa karamihan.
  3. Baka isumbong ka pa ng mga magulang ng iyong binu-bully na mga kaklase at maging bunga ng pagka-kick out mo sa paaralan.
  4. Posibleng ma-report ka sa Guidance Counselling at magkakaroon ka ng hindi magandang record sa paaralan.
  5. Dahil hindi maganda ang iyong record sa naturang paaralan, makakaapekto ito kapag pumasok ka sa ibang paaralan dahil may mga paaralan na hindi tumatanggap ng mg studyante na may hindi magandang record sa Guidance and Counselling.
  6. Kapag may mataas na posisyon sa Gobiyerno ang mga magulang ng binu-bully mo, baka pagtangka-aan pa nang masama ang buhay mo at baka i-salvage ka o papatayin ka ng mga taong hindi kilala.
  7. Kapag ang mga magulang ng binu-bully mo ay siyang AMO (Boss) o Manager ng mga magulang mo sa trabaho, posibleng mawawalan ng trabaho ang iyong mga magulang dahil sa iyong ginawa.
  8. Kapag matapang ang binu-bully mo, posibleng magkasuntukan o magsapakan kayo na maaaring magdulot sa inyo ng kapahamakan gaya ng aksidente, sugat o pagkamatay.
Meron ka bang gustong idagdag sa listahan sa itaas? Pwede mong ipost sa comment sa ibaba.
 

Share This Post

If you like this article, we would really appreciate if you share this on Facebook, Twitter, or on any social media channels. Every share makes a huge difference and helps us write more articles like these. Thank You!

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.
"Mga Kahinatnan o Ibubunga Kapag Mambu-bully Ka Sa Iyong Kaklase Dahil Sa Utos ng Barkada" was written by under the Schools / Universities category. It has been read 171 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 07 February 2021.
Total comments : 0