Sagot Sa Tanong Na “Paano Nagiging Ma
WIKA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung paano nga ba nagiging malikhain ang wika ng Pilipinas at ang mga halimbawa nito.
Ang wika ay sadyang malikhain dahil ito ay nagbabago-bago kasama sa panahon. Sa kasalukuyan, mabilis nang magkaroon ng iba’t-ibang kahulugan ang mga salita dahil sa pag-angat ng maraming bagay.
Isa na dito ang mas malawak na impluwensiya ng ibang kultura at ang paglaganap ng teknolohiya at internet. Sa ngayon, ang wika ay mabilis na nagiiba ng anyo. Mas marami nang mga slang words o balbal na nakakapasok sa mga opisyal na diksyunaryo at iba pang pormal na indeks.
Atin ring masasabi na malikhain ang ating wika dahil ito ay mayroong iba’t-ibang tungkulin at ginagamit sa iba’t-ibang aspeto ng ating buhay. Heto ang mga halimbawa:
Ang wikan ang susi sa maayos at mabilis na komunikasyon ng bawat isa.Ang wika ang gamit sa pakikipag-ugnayan sa pag-aaral at sa pagtuturo sa iba.Ito ay isntrumento ng kaunlaran at pagpapaunlad ng kultura at sining ng isang bansa.
Bukod dito, ating masasabi na ang wika ay malikhain dahil ito ay nagiging instrumento rin ng pagpapahayag ng damdamin. Dahil dayo ay tao, ang ating mga damdamin ay pa iba-iba at nagbabago, maraming tayong gustong sabihin, mga opinyon, emosyon, at pananaw.
Isa sa mga paraan upang maipakita natin ito ay ang paggamit ng wika. Kaya naman, ating masasabi na ang wika ay malikhain dahil ito ay nagiging daan para maipakita natin ang mga ito.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Ambag Ni Manuel Quezon? – Ano Ang Ambag Ni Manuel Quezon Sa Wika
- https://www.affordablecebu.com/