Home » Questions » Unexperienced [ Ask a new question ]

Ano ang mahahalagang pangyayari sa timog asya?

Ano ang mahahalagang pangyayari sa timog asya?

Asked by: Guest | Views: 242
Total answers/comments: 1
Guest [Entry]

"Mahalagang Pangyayari sa Timog Asya

Nagsimula sa mga Indo- Aryan noong 1500 BCE. Sila ay tribong mananalakay na tinatawid ang hilagang kanlurang bahagi ng India. Ang ilan sa kanila ay sumalakay sa Persia, Greece, at Italy sa iisang panahon. Sila ay matatangkad at maputi, malakas kumain at uminom ng alak. Payak ang kanilang pamumuhay. Ang kanilang pangunahing gawain ay pag-aalaga ng bata at pagtatanim.

Tumagal ng 600 na taon ang unang kabihasnang  Ingo- Aryan. Tinatawag na vedas ang karunungan. Maraming mga Indo- Aryan ang naging magsasaka at natutong mamuhay sa pamayanan.

Nagtungo sila sa silangang lambak ng Ganges River. Ang unang pamayanan ay tinatag noong 900 BCE. Ang mga ulat tungkol sa pamumuhay ay galing sa mga epiko. Ang mga lungsod-estado ay napapaligiran ng mga palibot- bambang (moat) at mataas na pader. Ang mga palasyo ng hari o raja ay nasa gitna ng lungsod. Makikita rin sa lungsod ang mga hukbo at ang mga kamag-anak ng hari at dugong bughaw na bumubuo sa konseho ng tagapayo ng hari.

Nilikha ang sistemang caste ng mga Indo-Aryan upang hatiin ang lipunan sa mga pangkat. Ang pinakamataas ng pangkat ay ang Brahmin na binubuo ng mga pari at iskolar. Pumapangalawa ang mga Kshatriyas o mga mandirigma. Pangatlo ang Vaishya na binubuo ng mga magsasaka at mga mangangalakal. Ang pinakamababa ay ang mga Sudras o ang mga alipin. Kailangang sundin ng bawat  kasapi ang mga tuntunin sa pag-aasawa, hanapbuhay, seremonya sa pananampalataya, mga kaugaliang panlipunan at manatili sa pangkat kung saan ipinanganak hanggang mamatay. Sanskrit ang wika ng mga Indo-Aryan sa loob ng 1000 taon. Ang Rig-Veda ang pinakamahalagang panitikan sapagkat ito ang awit ng karunugnan.

Si Alexander the Great and hari ng Macedonia, isang kaharian sa hilagang Greece. Ang pangarap ay lupigin ang Persia. Pinabagsak niya ang Persia noong 328 BCE. Tinawid niya ang Indus River pagkatapos ng dalawang taon at tinalo ang isnag hukbong Indian. Nilisan niya ang India na hindi kasama ang mga sundalo.

Inagaw ni Chandragupta Maurya ang isang kaharian. Si Chandragupta ang unang hari ng dinastiyang Maurya. Noong 273 BCE humalili si Asoka, ang apo ni Maurya. Pinangunahan niya ang kampanyang militar. Nang makita ni Asoka ang bunga ng kanyang pakikidigma, nagpasiya siya na bigyan ng katahimikan ang kanyang nasasakupan. Niyakap niya ang Buddhism at tinuruan at tinulungan niya ang mga mamamayan. Nagpadala siya ng mga misyonero sa Ceylon at Burma at pinalaganap ang Budismo sa Asya.

Noong 200 BCE namayani ang Kushan. Si Kanishka ang pinakamakapangyarihang hari ng Kushan at nagtaguyod ng Mahayana Buddhism.

Nahati ang hilagan India sa maliliit na estado matapos ang pagbagsak ng mga Kushan. Narating ng gupta ang pinakamataas na katanyagan sa pamamagitan ni Haring Chandragupta II. Sa panahon ng Imperyong Gupta nagana pang Golden Age. Dito, umunlad ang agham. Tinalakay ni Aryabhata , isnag matematiko at astronomo ang halaga ng pi at pag-ikot ng daigdig . Sa panahon ding ito nasulat ang tungkol sa gravitation, napaunlad ang number symbols, pinag-aralan ang sistemang decimals at ang paggamit ng zero, ang mga manggagamot ay natutong mag-isterilisa, nagsagawa ng operasyon sa mga may sakit , nakagawa ng imbensiyon, lumikha ng bagong gamit, humina ang Buddhism samatala lumago naman ang Hinduism.

Tinawid ng mananalakay sa Muslim ang mga bulubundukin ng hilagang-kanlurang bahagi ng India. Noong una, ang kanilang pakay ay palaganapin ang Islam ngunit nang makita nila ang malaking yaman ng India ay sinikap nilang mapagtagumpayan ang pananakop nila sa malaking bahagi ng India. Noong 1398, sinalakay nila ang Delhi, kinuha nilang lahat ng mga kayamanan at pumatay ng maraming tao.

Pinangunahan ni Babur ang mga Muslim na mananalakay sa India. Inakala ng mga taga-India na Mongol si Babur kaya tinawag siyang Mogul. Noong 1556, nagsimulang manlupig si Akbar, ang apo ni Babur. Pinalawak niya ang pamamahala patungong silangan. Si Akbar ang naging pangunahing hari sa buong hilagang India.

Hindi siya marunong bumasa o sumulat ngunit hangad niya na matuto. Hinigpitan ni Akbar ang paggamit ng pisikal na pagpapahirap at iginawad ang parusang kamatayan para sa mabigat na kasalanan.

Maaari ring sumangguni sa mga sumusunod na link:

brainly.ph/question/844222

brainly.ph/question/799580

brainly.ph/question/1837416"