Home » Articles » Legal Advice

Maari ko bang ihabla ang may-ari ng company na nagtanggal sa akin?

Maari ko bang ihabla ang may-ari ng company na nagtanggal sa akin?
"Dear Attorney,

Tinanggal po ako ng kompanya na aking pinapasukan. Naniniwala akong mali ang pagkakatanggal sa akin kaya may plano akong magsampa ng illegal dismissal. Tanong ko lang, maari ko rin bang ihabla ang may-ari ng korporasyon dahil sa aking pagkakatanggal? —Jun

Dear Jun,




Mabuti at nabanggit mo na isang korporasyon ang dating kompanya mo. Ang mga korporasyon kasi ay may tinatawag na “distinct and separate personality”. Ibig sabihin, kahit hindi tao ang mga korporasyon, itinuturing sila ng batas na may sariling personalidad na hiwalay at iba mula sa kanilang mga may-ari.

Ito ang dahilan kung bakit may kakayahan ang mga korporasyon na magkaroon ng mga ari-arian sa ilalim ng pangalan nila at kaya maari  rin silang magsampa o masampahan ng kaso.


googletag.cmd.push(function() { googletag.display('gpt-ad-MREC_Article'); });



Ano ang epekto ng pagkakaroon ng hiwalay na personalidad ng mga korporasyon at ng mga may-ari o opisyales nito? Malaki ang implikasyon nito dahil ibig sabihin ay hindi maaring habulin ang mga may-ari o opisyales para sa mga pananagutan ng kor­porasyon. Gayundin, hindi maaring habulin ang korporasyon para sa pananagutan ng mismong may-ari at mga opisyales nito.

Hindi naman ibig sabihin nito ay laging ligtas ang mga may-ari at opisyales mula sa mga pananagutan ng korporasyon. Maari kasing sila mismo ang habulin sa halip na ang korporasyon kung (1) ginagamit lamang ng mga may-ari ang korporasyon upang makatakas sa mga pananagutan nila; (2) ginagamit ng mga may-ari ang korporasyon upang makapanloko; at (3) lubos ang kontrol ng mga may-ari sa korporasyon kaya masasabing instrumento na lamang ito at wala na itong hiwalay na personalidad mula sa mga may-ari.

Sa mga kasong may kinalaman sa labor katulad ng illegal dismissal, maari rin na ihabla ang may-ari kung sinadya nito ang pagkakatanggal ng empleyado at kung mapatunayan na may masama siyang intensyon o hangarin sa likod ng ginawa niyang pagsisante.

Hindi mo nabanggit kung bakit mo gustong ihabla pati ang mismong may-ari ng dati mong kompanya. Wala ka rin namang nabanggit na dahilan para balewalain ang hiwalay na perso-nalidad ng korporasyong pinagtrabahuhan mo kaya kung ang pagbabasehan lamang ay ang iyong inilahad, ang korporasyon lamang talaga  ang maaring ihabla para sa pagkakatanggal mo." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Maari ko bang ihabla ang may-ari ng company na nagtanggal sa akin?" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 669 times and generated 1 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 1
Qqnipn [Entry]

lipitor 10mg sale <a href="https://lipiws.top/">atorvastatin us</a> lipitor pill