Home » Articles » Legal Advice

Umookupa sa lupang hindi naman niya pag-aari, maari bang puwersahang paalisin?

Umookupa sa lupang hindi naman niya pag-aari, maari bang puwersahang paalisin?
"Dear Attorney,

Ano po ba ang remedyo dito sa aking kamag-anak na ayaw umalis sa lupang pagmamay-ari ko? Pinatira ko lang sila pansamantala para sila ang magbantay sa lupa, sa pag-aakalang aalis din sila kaagad kapag sisimulan ko nang ipagawa ang aking bahay. Maari ko po ba silang puwersahang paalisin? —Ric

Dear Ric,




Maaring ikaw pa ang makasuhan kung gagamit ka ng dahas sa pagpapaalis ng mga kamag-anak mo. Ang kailangan mong gawin ay mag-file ng kasong unlawful detainer sa Metropolitan/Municipal Trial Court na nakakasakop sa lupang inookupa ng mga kamag-anak mo.

Malinaw kasi ang nakasaad sa Article 539 ng Civil code: “[e]very possessor has a right to be respected in his possession; and should he be disturbed therein he shall be protected in or restored to said possession by the means established by the laws and the Rules of Court.” Ibig sabihin, kailangang irespeto ang pag-okupa ng isang indibidwal sa isang ari-arian, mapasakanya man ito o hindi at mapaaalis lamang siya sa pamamagitan ng prosesong alinsunod sa batas.




Sa sitwasyon mo, ang pagsasampa ng unlawful detainer ang legal na paraan upang mapaalis mo ang iyong mga kamag-anak na illegal na umookupa ng iyong lupa. Angkop ang pagsasampa ng kasong unlawful detainer kapag ang kasalukuyang umookupa ng property ay dating may pahintulot na manatili roon ngunit ang pahintulot na ito ay paso na  o binawi na pero sa kabila nito ay hindi pa rin siya lumilisan kahit pinapaalis na siya ng may-ari.

Ang una among gawin ay padalhan ang mga umookupa ng iyong lupa ng sulat kung saan nakasaad ang pagpapaalis mo sa kanila. Kung sa kabila ng pagtanggap nila sa sulat ay hindi pa rin sila umalis, magpunta ka na sa barangay upang doon kayo magharap. Kung pagkatapos ng pag-uusap sa barangay ay hindi pa rin nila nililisan ang iyong property ay doon ka na maaring magsampa ng kaso ng unlawful detainer sa korteng may sakop ng lupang inyong pinag-aawayan." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Umookupa sa lupang hindi naman niya pag-aari, maari bang puwersahang paalisin?" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 786 times and generated 1 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 1
Fmbfyi [Entry]

lipitor without prescription <a href="https://lipiws.top/">lipitor 20mg price</a> atorvastatin 10mg drug