GIYAGIS – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang “giyagis” o “giniyagis” at ang mga halimbawa ng paggamit nito sa mga pangungusap.Maraming salitang Tagalog ang hindi na natin ginagamit dahil sa modernisasyon at pag angat ng wika. Pero, dapat pa rin natin itong malaman dahil ang mga salitang ito ay naging parte na ng ating kultura at kasaysayan.
Ang ibig sabihin ng salitang “giyagis” o “giniyagis” ay pigtasin, punitin, lumigalig, sipakin, guluhin, o lumasog. Kapag ikaw ay “giyagis”, ikaw ay na aapektuhan ng isang bagay. Sa Ingles, ito ay maaaring nangangahulugang “afflicted”.Heto ang mga halimbawa ng paggamit ng salitang “giyagis” sa mga pangungusap:
Ang kalooban niya’y giniyagis ng pagdadalamhati at pag-aalala para sa kanyang kaibigan.Siya ay lubhang giniyagis dahil sa pagkamatay ng kanyang magulang.
Bukod dito, ang salitang giyagis ay maihahalintulad din sa salitang “nahihirapan” o “nasasaktan”. Heto ang mga halimbawa:
“Ako’y giniyagis dahil sa mga ginawa mo”. Maaari itong maging “Ako’y nasasaktan dahil sa mga ginawa mo”. Ito rin ay nangangahulugan ng pagkiskis o pagdantay ng katawan sa isa pang bahagi ng katawan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Katangian Ni Ginoong Pasta – Tauhan Sa El Filibusterismo
- https://www.affordablecebu.com/