Home » Questions » Science and Education [ Ask a new question ]

"*PInakamalaking umiiral na relihiyon sa Japan. *Pinakamalaking umiiral na relihiyon sa Israel. *Matatagpuan sa bansan ito ang pinakamalii

"*PInakamalaking umiiral na relihiyon sa Japan. *Pinakamalaking umiiral na relihiyon sa Israel. *Matatagpuan sa bansan ito ang pinakamaliit na populason ng mga Kristiyano. *Ang disenyo sa bandila ng South Kortea ay halaw sa relihiyong ito."

Asked by: Guest | Views: 280
Total answers/comments: 2
Guest [Entry]

"Hi sophiaeunice4,

Para sa una mong tanong,
Ayon sa istadistika, ang pinakamalaking relihiyon na bansang Japan ay Japanese Buddhism na bumubuo sa halos 37% ng kabuuang populasyon ng bansa. Pumapangalawa dito ang Shintoismo at Kristianismo. Ang Japanese Buddihism ay isang sangay ng relihiyong Budhismo na nanggaling sa India. Kilala rin ito sa orihinal nyang pangalan na “Mahayana”. Para sa dagdag kaalaman ukol sa Japanese Buddihism click mo ang link na ito (brainly.ph/question/1734569)
Para sa pangalawa mong tanong,
Ang pinakamalaking umiiral ng relihiyon sa bansang Israel ay ang Judaismo na bumubuo sa halos 74% ng kabuuang relihiyon, Sumusunod dito ang Islam, Kristianismo at Drusismo (Druzism). Ang Judaismo ay relihiyon mula sa paniniwala ni Abraham at ang kanyang lahi bilang mga piniling mga anak ng Diyos (o kilala rin na mga Hudyo). Ang relihiyong ito ay monotheistic na ang ibig sabihin ay naniniwala sa isang Diyos. Para sa dagdag kaalaman ukol sa Judaismo maaaring pumunta sa link na ito (brainly.ph/question/461380)
Para sa pangatlo mong tanong,
Ang bansang may napakakonting populasyon ng mga Kristiano ay ang bansang Afghanistan na may halos 99% na Muslim. Sinasabing napalaliit ng bilang ng mga Kristiano dito na kahit simbahan ay hindi maitayo sa ngayon.  
Para sa pang-apat mong tanong,
Ang bandila ng South Korea ay mas kilala ng mga Koreano bilang “taegukki” ay mayroong simbolo ng Yin at Yang na nasa gitna ng nasabing bandila. Ang Yin at Yang ay parte ng aral ng Taoismo. Ang Taoismo ay isang sinaunang relihiyon Intsik na naniniwala na ang lahat ng bagay ay nabuo dahil sa Tao (tawag minsan ay “Dao”). Pero ang Tao ay hindi diyos at hindi naging diyos para sa kanila. Para maintindihan pa lalo ang paniniwala ng Taoismo pumunta dito sa link (brainly.ph/question/812041)

Sana makatulong!"
Jljzjh [Entry]

lipitor 40mg oral <a href="https://lipiws.top/">buy lipitor 20mg pill</a> atorvastatin 10mg pill