Home » Questions » Unexperienced [ Ask a new question ]

Saklaw at limitasyon sa pananaliksik halimbawa?

Saklaw at limitasyon sa pananaliksik halimbawa?

Asked by: Guest | Views: 30
Total answers/comments: 1
Guest [Entry]

"Saklaw at limitasyon sa pananaliksik halimbawa?-
PAMAGAT NG PANANALIKSIK  

KWALIPIKASYON NG GURO AT ANG MGA MAG-AARAL NA NAKAPASA SA TESDA ASSESSMENT NG SENIOR HIGH SCHOOL NG PAARALANG MATAMIS NATIONAL HIGH SCHOOL

Halimbawa ng saklaw at limitasyon sa pananaliksik

• Saklaw ng pag-aaral na ito ang mga mag-aaral ng Matamis National High School, Matamis, Surigao Del Norte na may bilang na 120 at ang kanilang 10 guro na humahawak ng kanilang mga TVL na asignatura Ang mga mag-aaral na ito ay siyang binigyang pansin ng mga mananaliksik sapagkat sila ang mga kumuha ng    TESDA assessment at sila ang mga tinuruan ng mga guro na mayroong iba’t-ibang kwalipikasyon. Ang pag-aaral na ito ay tumitiyak kung mayroon bang saklaw ang kwalipkasyon ng guro sa kaalaman ng mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay para lamang sa mga TVL teachers. Ang pag-aaral na ito ay magsisimula sa Hunyo 2020 at matatapos  sa Octobre 2020.

Ano ang saklaw at limitasyon?

• Ang saklaw at limitasyon o scope and limitation sa Ingles ay isang parte ng pananaliksik kung saan nilalagay ng manananaliksik ang isang maikling testamento na naglalaman ng pangunahing gamit o dahilan ng sinasagawang pag-aaral.

• Makikita sa saklaw at limitasyon kung kalian magsisimula ang pag-aaral at kung hanggang kalian ito matatapos.

• Nakalagay din dito ang lugar kung saan mangyayari ang pananaliksik o ang demograpiya ng pag-aaral, ano ang gustong malaman.

• Ipinapaliwanag din sinasabi ang dahilan ng pag-aaral.

• Sinasaklawan din dito ang bilang o dami ng respondent.

• Ang saklaw at limitasyon ay isa sa mga bahagi ng pananaliksik. Nilalagay ito upang maging malinaw ang pag-aaral at hindi malito ang mga mambabasa tungkol sa saklaw ng pag-aaral.

NARITO ANG NILALAMAN NG SAKLAW AT LIMITASYON

1. Mga usapin

2. Lugar ng pananaliksik

3. Bilang o dami ng respondent

4. Demograpiya ng pag-aaral

5. Kabuuang haba ng ginawa o gagawing pananaliksik

Para sa iba pang kaalaman ukol sa saklaw at limitasyon buksan lamang ang:

brainly.ph/question/1358879

brainly.ph/question/2411413

brainly.ph/question/2115152"