Nagdadalawang-isip ka siguro na wag na lang ipadala yung pera sa Palawan pero hayun naibigay mo na yung pera sa Palawan Pawnshop at bitbit mo ang transaction receipt.
Gusto mong kunin na lang ulit yung pera sa Palawan.
Kaya nagtatanong ka ngayon sa sarili kung "pwede bang i-withdraw ang hinulog na pera sa Palawan Pawnshop?"
Answer
Yes. Pwede mong kunin o i-withdraw yung pera na naihulog mo sa Palawan Pawnshop.Pero may kaukulang service charge ang pagkuha ulit o pagwithdraw mo ng pera sa Palawan Pawnshop.
Magkano naman ang service charge?
Magbabayad ka ng minimum of Php30 or 1% of the principal amount.
Kung sakaling naghulog ka ng Php100 sa Palawan Pawnshop, kelangan mong magbayad ng Php30.
Kung naghulog ka ng Php1,000, kelangan mong magbayad ng Php30.
At kung naghulog ka ng Php10,000 (sampung libo), kelangan mong magbayad ng Php100. Dahil 1% of Php10,000 is Php100.
Tandaan minimum of Php30 or 1% of the principal amount ang kelangan mong bayaran.
Ano ang dapat dalhin pagpunta mo sa Palawan Pawnshop?
Kelangan mong dalhin yung transaction receipt at valid id's mo.
Meron ka bang ibang concern tungkol sa Palawan Pawnshop? Pwede mong ipost sa comment sa ibaba para masagot namin ang iyong concern. - https://www.affordablecebu.com/