Marahil TRANSACTION CODE lang ang alam mo and recipient ng pera ay ikaw pero hindi mo alam kung sino ang sender nito.
Ito ang kadalasan nangyayari ibang online sellers na sa sobrang dami ng nagpapadala ng pera sa kanila, hindi na nila namamalayan na meron mga buyer ang hindi naglalagay ng pangalan ng sender sa kanilang buying transaction.
Pwede nga bang malaman ang sender ng pera sa Palawan Pawnshop kahit hindi mo alam ang name ng sender o kung sino ang nagpadala?
Sagot:
Sa kasalukuyan, walang TRACKING WEBPAGE or TRACKING PORTAL ang Palawan Pawnshop para malaman ang TRANSACTION DETAILS ng perang pinadala gaya ng NAME OF SENDER, AMOUNT SENT, TRANSACTION CODE, NAME OF RECIPIENT, PHONE NUMBER of SENDER and RECIPIENT, etc.
Kaya hindi pwede malaman ang NAME ng SENDER ng pera sa Palawan Pawnshop. Kapag pumunta ka naman sa Palawan Pawnshop branch, bawal rin sa mga empleyado na i-reveal ang TRANSACTION DETAILS like NAME of SENDER sa taong walang awtoridad o sa taong hindi nagbigay ng kumpletong detalye ng transaction.
Kahit ikaw pa ang RECIPIENT ng PERA, hindi allowed sa Palawan Pawnshop na i-reveal ang NAME ng SENDER kung hihingi ka ng detalye sa NAME ng SENDER.
Kaya dapat alam mo ang NAME ng SENDER ng pera para makuha mo ang pera o malaman mo ang status ng perang pinadala sa iyo.
Ang pinakadahilan kung bakit hindi ginawa ng Palawan Pawnshop ang TRACKING WEBPAGE or TRACKING PORTAL ay for SECURITY REASONS. Para maingatan ang transaction na nangyari na may kinalaman sa pera.
Dahil mainit sa pera ang tao, kaya iniiwasan ng Palawan Pawnshop na magkaroon ng TRACKING WEBPAGE or PORTAL na kung saan pwede ma-trace ang transaction ng sending at receiving ng pera ng Palawan Pawnshop.
Gusto nyo ba na magkaroon ng TRACKING PORTAL ang Palawan Pawnshop? Pwede kayong mag-comment sa ibaba. - https://www.affordablecebu.com/