Home » Articles » Legal Advice

Maari bang isangla ang lupa kung hindi pa ito nakapangalan sa nagsasangla?

Maari bang isangla ang lupa kung hindi pa ito nakapangalan sa nagsasangla?
"Dear Attorney,

Tama po ba ang pagsasanglang ginawa ng kapatid ko sa naiwang property ng aming magulang? Hindi pa po namin napaghahati-hatian ang lahat ng naiwan nilang ari-arian ngunit naisangla na po ng kapatid ko ang isa sa mga lupa . Maari po ba ang ginawa niyang pagsa-sangla?—William

Dear William,




Malinaw na nakasaad sa Article 2085 ng Civil Code ang mga requisites o ang mga kailangan upang masiguradong valid o may bisa ang isang mortgage o sanglaan ng lupa: (1) dapat ay ginawa ang pagsasangla upang masigurado ang pananagutan ng isang principal na obligasyon katulad ng utang; (2) na ang nagsangla ang siyang absolute owner o siyang lubos na may-ari ng property na isinasangla; at (3) malaya ang nagsasangla na isangla ang property o mayroon siyang legal na kapangyarihan upang gawin ito.

May problema ang ginawang pagsasangla ng kapatid mo dahil hindi naman siya ang absolute owner ng buong lupa na kanyang sinangla. Ang maari lang niyang isangla ay ang parte niya rito, na hindi pa tukoy hangga’t hindi n’yo napaghahatian ang mga ari-arian ng inyong magulang nang ayon sa prosesong itinakda ng batas.




Ayon sa Magsano, et al. vs. Pangasinan Savings and Loan Bank Inc. and Spouses Manuel, et al., hindi naman mawawala sa pag-aari n’yo ang bahagi ng lupa na dapat ay sa iyo at sa iyong mga kapatid dahil hindi naman kayo tali sa ginawang pagsasangla ng inyong kapatid lalo na’t hindi naman kayo nakinabang o kumita mula sa ginawa niyang pagsasangla.

Sa kabila nito, kailangan pa rin kayong maging mapagmatyag ukol sa titulo ng lupang isinangla dahil baka magkaroon na ng kalituhan ukol sa pagmamay-ari nito ngayong naisangla na ito ng iyong kapatid sa ibang tao." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Maari bang isangla ang lupa kung hindi pa ito nakapangalan sa nagsasangla?" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 1011 times and generated 2 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 2
Gltlue [Entry]

order lipitor 10mg online cheap <a href="https://lipiws.top/">lipitor sale</a> brand atorvastatin 20mg
Shibum [Entry]

Walang titulo na hawak at deed of absolute sale na napagawa ay walang sukat square meter na nkalagay kung ilan Ang binenta samin may karapatan po ba kami
30 years na po kami nkatira?