PANGKALAHATANG SANGGUNIAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan ng pangkalahatang sanggunian at mga halimbawa nito.Ang Pangkalahatang Sanggunian ay ang mga bagay na maaari nating mapagkukunan ng impormasyon. Kadalasan ang mga ito ay mga libro katulad lamang ng mga diksyunaryo at almanac.
Sila ay tinatawag na pangkalahatang Sanggunian dahil malawak ang sakop nito na impormasyon. Halimbawa, sa isang diksyunaryo, lahat ng mga salita galing sa letrang “A” papunta sa letrang “Z” ang ating makikita.Heto pa ang ibang mga halimbawa:
EncyclopediaSet ng mga aklat na nagtataglay ng mga impormasyon tungkol sa mga bagay-bagay at mga artikulo tungkol sa katotohanan.ATLASAklat ng mga mapang nagsasabi ng lawak, distansya at lokasyon ng lugar. Ipinakikita rito ang mga anyong- lupa at anyong tubig na matatagpuan sa isang lugarAlmanacAklat na nagtataglay ng pinakahuling impormasyon tungkol sa mga punto ng kawilihan, mga pangyayari sa isang bansa, palakasan, relihiyon, pulitika at iba pa.InternetHeto ang isa sa pinaka malawak at epektibong halimbawa ng Pangkalahatang sanggunian. Ito ay dahil halos lahat ng mga katanungan mo tungkol sa kahit anong paksa ay madaling makikita sa internet. Bukod dito, halos lahat ng tao ay may kakayahang gamitin ito.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Talata Tungkol Sa Online Class – Halimbawa Ng Talata Sa Online Class
0 comment(s) for this post "Pangkalahatang Sanggunian Kahulugan At Halimbawa". Tell us what you think abut this post by leaving your comments below.
- https://www.affordablecebu.com/