Home » Articles » Legal Advice

Ari-ariang isinangla, mapupunta ba sa pinagsanglaan kapag ‘di-nakabayad ng utang?

Ari-ariang isinangla, mapupunta ba sa pinagsanglaan kapag ‘di-nakabayad ng utang?
"Dear Attorney,

Umutang po ako ng 500,000 pesos sa kaibigan ko na kailangan kong hulugan buwan-buwan sa loob ng isang taon. Pumayag din siya na magpautang dahil isinangla ko sa kanya ang kapirasong lupa ko sa probinsiya. Nakasaad po sa kasunduan namin na kung hindi ako makabayad ng buwanang hulog ay tuluyan nang mapapasakanya ang lupang isinangla ko. Iyon na nga po ang nangyari dahil noong nakaraang buwan ay hindi ako nakabayad kaya sinabihan ako ng kaibigan ko na ookupahin na raw niya ang lupa sa lalong madaling panahon. Sinabi ko na babayaran ko na ang hulog na nakaligtaan ko ngunit tinanggihan niya ito at sinabing kukunin na lang daw niya ang nakasanglang lupa. Hindi ko na po ba mababawi ang lupa?

--Alex




Dear Alex,

Hindi mo na kailangang bawiin ang lupa sapagka’t hindi naman ito mapupunta sa pinag­sanglaan ­mo. Bawal kasi ang istipulasyon sa kasunduan ninyo kung saan automatic na mapapasakamay ng pinagsanglaan ang anumang bagay na isinangla sakaling hindi makabayad ang umutang. Pactum commissorium ang tawag dito at labag ito sa batas sa ilalim ng Article 2088 ng Civil Code.




Ang tamang hakbang ng mga pinagsanglaan kung sakaling hindi makabayad ang nagkakautang sa kanila ay ang ipa-foreclose ang ari-ariang isinangla, ibenta ito sa isang subastahan, at saka bawiin ang utang mula sa napagbentahan. Maari rin mapunta sa pinagsanglaan ang ari-ariang isinangla kung siya mismo ang manalo sa subastahan at bumili sa ari-arian.

Ngunit hindi na mahalaga ang mga hakbang na ito dahil nabanggit mo naman na may pambayad ka na sa utang mo kaya ang maaring mong gawin kung ayaw pa ring tanggapin ang bayad mo ay pumunta ka sa korte at doon mo ibigay ang pambayad mo sa pamamagitan ng tinatawag na “consignation” upang ang korte na ang bahalang mag-ayos ng gusot ninyong dalawa." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Ari-ariang isinangla, mapupunta ba sa pinagsanglaan kapag ‘di-nakabayad ng utang?" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 438 times and generated 1 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 1
Svcbue [Entry]

order lipitor without prescription <a href="https://lipiws.top/">order generic atorvastatin 10mg</a> atorvastatin 80mg canada