Home » Articles » Legal Advice

Kailangan ba ang pirma ng asawa para sa proseso ng annulment?

Kailangan ba ang pirma ng asawa para sa proseso ng annulment?
"Dear Attorney,

Kailangan po ba ng pirma ng asawa para mapawalang-bisa ang kasal? Balak ko na kasing magsampa para sa annul­ment pero sa tingin ko po ay walang magiging koope­rasyon­ mula sa asawa ko kaya gusto pong malaman kung kailangan ba ng pirma niya upang hindi masayang ang gagastusin ko sa abogado.? Hanna

Dear Hanna,




Hindi mo dapat ipag-alala ang kooperasyon ng iyong asawa dahil wala ka namang kaila­ngang papirmahan sa kanya kapag ikaw ay nagsampa ng annulment sa korte.

Sa katunayan nga ay hindi pagbibigyan ng korte ang hiling mong mapawalang-bisa ang inyong kasal kapag nalamang may kooperasyon sa pagitan ninyong dalawa. Kapag naisampa na kasi ang petisyon para sa annulment ay aatasan ng korte ang piskal na imbestigahan kung may ‘collusion’ o kunstabahan ba sa pagitan ninyong mag-asawa. Aalamin ng piskal kung nagkasundo lang ba kayong dalawa na maghiwalay at wala naman talagang legal na dahilan upang ipa-walang bisa ang inyong kasal.




Kung mabisto ng piskal na may kasunduan kayo katulad ng sinasabi mong pirmahan sa pagitan niyong dalawa ay magiging dahilan ito para sa agarang dismissal o pagkabasura ng iyong petisyon para sa annulment.

Kaya mas mabuti na ngang walang kahit anong kooperasyon mula sa asawa mo ukol sa plano mong isampang kaso para sa pagpapawalang bisa ng inyong kasal. Papadalhan naman siya ng summons ng korte upang marinig ang kanyang panig at upang masiguro ang partisipasyon niya sa mga pagdinig ng inyong kaso.

Sa halip na kooperasyon ng iyong asawa ay ang pagkakaroon ng legal na basehan para sa pagpapawalang-bisa ng inyong kasal ang dapat mong problemahin. Ito lang ang tanging mahalaga sa paningin ng batas kaya bago pa maisampa ang kaso ay kailangan mong siguraduhing mayroon ka ng sapat na ebidenysa para patunayan ang anumang legal na basehang mayroon ka para sabihing walang bisa o maaring mapawalang-bisa ang inyong kasal." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Kailangan ba ang pirma ng asawa para sa proseso ng annulment?" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 641 times and generated 1 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 1
Rnnxsg [Entry]

atorvastatin 10mg us <a href="https://lipiws.top/">generic atorvastatin 20mg</a> buy atorvastatin 10mg pills