Home » Articles » Legal Advice

Mga ‘most at risk’ na empleyado, maari bang pumasok sa trabaho?

Mga ‘most at risk’ na empleyado, maari bang pumasok sa trabaho?
"Dear Attorney,

Mayroon po akong diabetes at nabasa ko po na ang mga katulad ko ay delikadong madapuan ng coronavirus. Maari po ba akong pumasok sa trabaho? Kung sakali ay maari ko rin bang hilingin na ako ay mag-work from home (WFH) na lamang? –Tess

Dear Tess,




Ayon sa Interim Guidelines on Workplace Prevention and Control of COVID-19 na inisyu ng Department of Trade and Industry at Department of Labor and Employment, matatawag na “most at risk” ang mga empleyadong katulad mo na may sakit na nagdudulot ng mas malaking panganib mula sa pagkakahawa sa COVID-19. Kabilang sa mga sakit na nabanggit sa guidelines ay ang diabetes, hypertension, cancer, at iba pa na nagdudulot sa mas mahinang immune system.

Bagama’t hindi naman pinagbabawalan sa pagpasok sa trabaho ang mga katulad mong “most at risk”, pinapayuhan ang mga employers na papasukin lamang ang mga katulad mo kung talagang kinakailangan ang presensya ninyo sa inyong lugar ng trabaho kaya mas mabuti kung magkaroon na lang ng work from home arrangement.




Nakasaad rin sa guidelines na kung kailangan talaga silang papasukin, dapat gumawa ang employer ng paraan upang mabawasan ang panganib para sa kanyang mga empleyadong “most at risk” katulad ng pagbibigay sa kanila ng shuttle service papasok at pauwi ng trabaho.

Mas maganda kung kausapin mo ang iyong employer at ipaliwanag sa kanila ang iyong kalagayan. Mainam kung hilingin mo na ikaw ay mag-work from home na lamang upang maiwasan ang malaking tsansa na mahawa ng COVID-19 dahil­ sa iyong sakit."
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Mga ‘most at risk’ na empleyado, maari bang pumasok sa trabaho?" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 301 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 0